Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Pambansa at Lokal na Halalan sa 2025, tiniyak ng Misamis Oriental Police Provincial Office ang seguridad sa mga iba’t ibang polling center sa Misamis Oriental nito lamang ika-9 ng Mayo 2025.

Pinangunahan ni Police Colonel Wilbur M Salaguste, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office, ang nasabing inspeksyon upang tiyakin na ang mga kinakailangang hakbang pangseguridad ay naipatupad at ang mga kapulisan ay handang tumugon sa anumang sitwasyon sa araw ng halalan.

Sinuri rin ni PD Salaguste, ang kahandaan ng lugar, pati na ang koordinasyon ng mga tauhan sa mga electoral board at iba pang ahensya.

Ang inspeksyon ay bahagi ng pinaigting na inisyatibo ng PNP upang matiyak ang maayos, ligtas, at tapat na eleksyon.

Patuloy ang pagpapaalala ng pamunuan ng Misamis Oriental PNP sa mga tauhan na gampanan ang kanilang tungkulin nang may mataas na antas ng propesyonalismo, integridad, at pagiging apolitikal.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *