Nasakote ang tatlong indibidwal kabilang ang isang nagpakilalang pulis matapos makuhanan ng iba’t ibang baril at mga bala sa ikinasang COMELEC checkpoint ng mga otoridad sa kahabaan ng National Highway NSC Gate 3, Barangay Suarez, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang Mayo 9, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas alias “Salli,” 30 anyos, paralegal candidate mula Quezon City; alyas “Bani,” 30 anyos, driver; at alyas “Mohammad,” 47, parehong residente ng Parang, Maguindanao.
Naharang ng Iligan City PNP, ang isang black Toyota Fortuner nang ang isang suspek ay ibinigay ang isang sling bag sa kasamahan nitong nasa likod naka-upo.
Nabatid na nagpakilalang isang pulis si alyas “Salli” ngunit walang maipakitang valid ID.
Narekober mula sa mga suspek ang isang reflectorized vest na may “HPG” (Highway Patrol Group) markings, isang Glock 17 Gen 4 9mm pistol, 13 9mm live cartridges, isang Colt MK IV Series 80 .45 caliber pistol, walong .45 caliber live cartridges, dalawang steel magazines for a .45 caliber pistol, at pitong additional .45 caliber live cartridges.
Napag-alaman na isa sa mga suspek ay nagsabing ang Glock 17 pistol ay hiniram mula sa kapamilya at ang naturang baril ay pag-aari ng isang pulis na nakadestino sa BARMM at binebenta.
Kasong pagabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at B.P. Blg. 881 (Omnibus Election Code) at si alyas “Salli” ay nahaharap sa Usurpation of Authority under Article 177 of the Revised Penal Code.
“This successful apprehension underlines the critical role of checkpoint operations during the election period. We will remain firm and unrelenting in enforcing the gun ban. The safety of our communities is our top priority,” he said.” pahayag ni Police Brigadier General Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10.

