Pinalalakas ng Davao de Oro Police Provincial Office ang pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi ng tatlong sako ng pataba sa Paloc Coffee Farmers Association (PCFA) sa ilalim ng Quick Impact Project (QIP) nito lamang Mayo 22, 2025.

Pinangunahan ang pamamahagi ni Police Master Sergeant Jon Lewis A CaƱamo, mula sa Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Cluster 5 sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Colonel Antonio D Alberio Jr., Provincial Director, katuwang ang mga tauhan ng 1st Davao de Oro Provincial Mobile Force Company na pinamumunuan ni Police Major Norman L Yparraguirre, at mga miyembro ng Maragusan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Marion R Sibayan.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, patuloy na pinapalakas ng Davao de Oro PNP, ang suporta nito sa mga organisadong samahan ng mga magsasaka sa malalayong lugar.

Sa pagbibigay ng mahahalagang kagamitan sa agrikultura, layunin nitong paunlarin ang ani at mapalalim ang pagtutulungan at tiwala sa pagitan ng kapulisan at komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *