Nanguna ang tatlong Bangsamoro na nagpamalas ng pambihirang husay sa kakatapos lamang na March 2025 Licensure Examination for Professional Teachers na kinonduct ng Professional Regulation Commission (PRC) sa buong bansa sa lumabas na resulta nito lamang Mayo 23, 2025.
Kapansin-pansin ang tagumpay nina Jamaema Hiluano Mustapha mula sa MSU-Maigo at Raeiden Mohammad Pango mula sa MSU-Iligan Institute of Technology, na parehong nakakuha ng Top 1.
Hindi rin nagpahuli si Rasida Nie Wanin, mula sa MSU-Maguindanao, na nakapasok sa Top 9, pawang nakapagtapos ng Bachelor of Elementary Education.
Isang malaking karangalan ito para sa buong Bangsamoro, na nagpakita ng kanilang patuloy na pag-angat sa larangan ng edukasyon.