Inilunsad ang programang KADIWA ng Pangulo na may temang “MAFARLENGKE sa Kampo” noong Hunyo 3, 2025 sa Covered Court ng Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Nakiisa si Minister Abunawas L. Maslamama ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform -BARMM sa isinagawang Ribbon Cutting katuwang si PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Romeo J Macapaz, bilang hudyat ng pagbubukas ng KADIWA ng Pangulo Store sa loob ng kampo.

Ang KADIWA ng Pangulo, na pinaikling KAtuwang sa DIwa at GaWA, ay naglalayong maghatid ng abot-kayang at preskong mga produktong agrikultura direkta mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Kasama rin dito ang murang mga grocery items mula sa Puregold Supermarket Company.

Laking pasasalamat naman ng mga magsasaka sa direktang tulong ng ating mga kapulisan upang magkaroon ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga produkto.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *