Tiklo ang isang 65 anyos na babaeng senior citizen matapos ang ikinasang search warrant operation ng mga otoridad dakong 9:00 ng gabi noong Hunyo 3, 2025 sa Purok Gumamela, Barangay Makuguihon, Molave, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ligaya”, may asawa, negosyante, at residente ng nasabing lugar.
Narekober ng pulisya ang humigit-kumulang 87 master cases ng iba’t ibang puslit na yosi na tinatayang may halagang P4,985,100.00.
Ang PNP ay walang humpay sa kampanya sa iligal na aktibidad at smuggling operation upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at kaunlaran sa pamayanan.

