Matagumpay na isinagawa ang Bloodletting Activity sa Brgy. Daguan, Kapatagan, Lanao del Sur nito lamang ika-14 ng Hunyo 2025.
Pinangunahan ng Al-Haj Memorial Hospital ang naturang aktibidad katuwang ang Kapatagan Municipal Police Station na naglalayong makapag-ipon ng dugo na magagamit para sa mga pasyenteng nangangailangan, lalo na sa mga emergency cases.
Ang matagumpay na aktibidad ay patunay ng pagkakaisa ng mga ahensiya ng gobyerno at mga mamamayan sa pagsusulong ng kalusugan at kagalingan ng bawat isa.
Inaasahan na magiging regular ang ganitong aktibidad upang patuloy na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo sa rehiyon.
