Patay on-the-spot ang isang lalaking nagmamaneho ng payong-payong tricycle matapos maaksidente sa Sitio Pangi, Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-15 ng Hunyo 2025.
Kinilala ang biktima na si alyas “Jepor”, residente ng Cotabato City.
Batay sa paunang imbestigasyon, mabilis ang pagpapatakbo ng biktima na dahilan ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan at nagdulot ng aksidente.
Sa kasamaang palad, hindi nakaligtas sa insidente at namatay ang biktima.
Patuloy ang pagsisiyasat ng PNP upang matukoy ang iba pang detalye ng aksidente at kung mayroong posibleng mga salik na nakaapekto sa pangyayari.