Matagumpay na isinagawa ang Anti-Bullying Awareness Campaign sa Datu Alimot Central Elementary School, Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-16 ng Hunyo 2025.
Dinaluhan ng mga estudyante ng naturang paaralan katuwang ang mga tauhan ng Pagalungan Municiapal Police Station na nagbahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral na binigyang diin ang kahalagahan ng pagiging mabait, respeto, at pananagutan sa loob at labas ng paaralan.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng tuloy-tuloy na suporta ng PNP sa mga programang pangkomunidad na naglalayong itaguyod ang kapayapaan, kaligtasan, at proteksyon ng mga kabataan lalo na sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral.
