Inilunsad ng Lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan at Department of Labor and Employment (DOLE) Region IX ang 2025 Regional Information Service Caravan at paggunita ng World Day Against Child Labor sa Basilan National High School nito lamang ika-15 ng Hunyo 2025.
Binigyang diin ni Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang kahalagahan ng pagkakaisa para matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kalagayan ng mga batang IsabeleƱo.
Iprinisenta naman ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kani-kanilang mga programa at serbisyo para sa mga batang manggagawa.
Isinagawa rin sa aktibidad ang paglagda ng Pledge of Commitment bilang pagsuporta sa adbokasiya ng DOLE, paggawad ng livelihood kits at mga tseke para sa mga benepisyaryong barangay, at ang paglunsad Kadiwa ng Pangulo.
Ang nasabing aktibidad na inorganisa ng DOLE katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay naglalayong maitaas ang kamalayan ng publiko at himukin ang bawat isa para mapigilan at mawakasan ang child labor.

