Inilunsad ang JobStart Program isang hakbang patungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng narating ng 87 kabataan mula sa Davao Oriental matapos makumpleto ang 10-araw na Soft and Core Skills Training sa ilalim ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang iba’t ibang mga sektor sa probinsya noong Hunyo 24, 2025.

Ang graduation ceremony at unang job fair para sa mga benepisyaryo ay ginanap sa Honey’s Hotel Function Hall sa Mati City, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa DOLE, PESO, mga kumpanya, at lokal na pamahalaan.

Layon ng programa na tulungan ang mga kabataang out-of-school youth at first-time jobseekers na magkaroon ng sapat na kasanayan at kumpiyansa upang makapasok sa trabaho.

Ang matagumpay na implementasyon ng programa sa Davao Oriental ay patunay ng epektibong pagtutulungan ng mga pampubliko at pribadong sektor upang bigyan ng tunay na pag-asa ang kabataang Pilipino.

Sa mga susunod na buwan, inaasahan pang mas maraming kabataan sa rehiyon ang makikinabang sa JobStart Program.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *