Cotabato – Sugatan ang isang wanted person matapos nitong agawin ang baril ng isang pulis na may bitbit na arrest warrant sa Purok Talisay, Brgy Malinan, Kidapawan City, Cotabato nito lamang Enero 10, 2024.

Kinilala ng Koronadal City Police Station, ang naaresto at sugatang suspek na si alyas “Edwin”, 42-anyos, walang asawa, at residente ng nasabing barangay.

Tumakas ang suspek nang maramdaman nito ang pagdating ng mga operatiba sa kanyang tahanan upang isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong paglabag sa para sa kasong paglabag sa RA 6539 as Amended by RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) na walang rekomendadong piyansa.

Nakorner ng mga awtoridad ang papatakas na suspek, subalit nakipag-agawan ito ng baril sa isang operatiba kung saan aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang suspek.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan para sa agarang atensyong medikal.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *