Calinan District, Davao City- Dalawang pekeng sundalo ang dinakip lulan ng isang Pick-up Truck na Nissan Navarra sa checkpoint ng Task Force Davao sa Lacaon, Calinan District, Davao City bandang 5:00 ng hapon nito lamang Huwebes, Enero 11 2024.

Nabatid na may impormasyon ang Task Force Davao na palaging nagsusuot ng unipormeng pang sundalo ang dalawa upang hindi masita at makalusot ang dalang mga baril ngunit hindi ito nakaligtas sa mga awtoridad dahil nang hinanapan ng mga kaukulang papel sa kanilang baril ay wala itong maipakita.

Nang beripikahin ang kanilang mga pangalan sa hanay ng mga sundalo ay doon nalaman na peke ang kanilang mga IDs na prinisenta.

Kinilala ang dalawang suspek na si alyas “Arvin” at “Apolinar”.

Narekober din sa dalawa ang isang 9mm at caliber.45 na baril at nahaharap sa kasong Usurpation of Authority at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions o RA 10591.

📾Davao City Police Office (Calinan Police Station)

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *