Maguindanao del Norte – Dalawang lalaki ang tiklo ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa gun-running activity sa Brgy. Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte nito lamang ika-14 ng Enero 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Datuan”, residente ng Macabiso at alyas “Daniel” na residente naman ng Kalangan Uno, Cotabato City.
Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang isang calibre 5.56 M16 rifle, BFI Windham na nakalagay sa isang brown rifle bag, isang sasakyang Nissan Almera na kulay Titanium Gray, Php 200,000 na boddle money at Php500 na marked money.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa ilalim ng Section 32 ng Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas upang mailagay sa likod ng rehas.