Damang-dama na ang Kadayawan spirit sa pagbubukas ng Durian Festival 2025 noong Agosto 12, 2025 sa SM Lanang Premier, Davao City.

Tampok ang paboritong prutas ng mga Davaoeño — ang durian.

Isang buwang selebrasyon ang inihanda para sa lahat ng mahilig sa durian, at maging sa mga nais pa lamang sumubok ng prutas na kilala sa taglay nitong aroma at natatanging lasa.

Magpapatuloy ang festival sa Northwing Event Grounds ng mall hanggang Setyembre 14, 2025, na magpapakita ng iba’t ibang uri ng durian mula sa mga lokal na magsasaka.

Mula sa pinakaklasikong varieties gaya ng Puyat at Arancillo, hanggang sa mga bagong tuklas na hybrid, siguradong may matitikmang bago at masarap ang bawat bibisita.

Pinangungunahan ang selebrasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture RFO XI at ng Davao Durian Industry Association, na layuning isulong ang lokal na agrikultura at kilalanin ang mga magsasakang nasa likod ng masaganang ani ng durian sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng festival na ito, hindi lamang panlasa ang nasisiyahan, kundi pati kabuhayan ng mga lokal na durian growers ay nabibigyan ng suporta.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *