Hatid ng Pamahalaan ng Cotabato ang Serbisyong Pangkalusugan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga libreng correctional eyeglasses sa mga napiling mga estudyante galing sa iba’t ibang paaralan ng elementarya sa bayan ng Kabacan, Cotabato nito lamang ika-16 ng Agosto 2025.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng Integrated Provincial Health Office na pinangunahan ng DepEd (Department of Education) nurses ang pagsasagawa ng “initial vision screening” para sa mga Kabataan na may mga problema sa mata at sinundan ito ng “comprehensive eye examination” ni Dr. Emelyn B. Ma, isang optometrist, katuwang din dito ang Rural Health Unit ng bayan.

Ang programang ito ay may kaugnayan sa selebrayon ng Sight Saving Month na may layunin na ipalaganap ang kamalayan sa mga kabataan upang maiwasan ang pagkabulag at isulong ang “proper eye care” sa kanilang murang edad.

Nasa 62 na kabataan sa elementarya ang maswerteng nahandong ng nasabing programa upang magkaroon ng mas malinaw na eye-sight.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *