Pormal na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum ang 100 collapsible bins mula sa Coca-Cola Philippines, sa tulong ng Tagum Council of Women Foundation, Inc. (TCWFI) nito lamang Setyembre 8, 2025.

Ang mga basurahan ay ilalagay sa mga pampublikong lugar upang palakasin ang waste management at mapanatili ang kalinisan ng lungsod.

Bahagi ito ng “World Without Waste Program” na layuning makolekta at mare-recycle ang lahat ng plastic bottles sa buong mundo pagsapit ng 2030.

Dumalo sa turnover sina Gng. Alma L. Uy ng TCWFI, Mayor Rey T. Uy, mga kinatawan ng Coca-Cola, Vice Mayor Atty. Eva Lorraine Estabillo-Tado, at iba pang opisyal ng lungsod.

Ang aktibidad ay patunay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga organisasyon para sa isang mas malinis at mas luntian na Tagum.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *