Pinasinayaan ang Durian Culinary Olympics 2025 sa pamamagitan ng makulay at masiglang Chef’s Parade na dinaluhan ng mga Student-Chefs mula sa iba’t ibang paaralan sa loob at labas ng lungsod ng Tagum nito lamang Setyembre 11, 2025.

Nagsimula ang parada sa Tagum Cultural Center at nagtapos sa Rotary Park, kung saan gaganapin ang apat na araw na kompetisyon mula Setyembre 12 hanggang 15.

Tampok sa paligsahan ang kasanayan ng mga kalahok sa pagluluto at paghahalo ng iba’t ibang sangkap gamit ang pangunahing tampok – ang Durian, ang tinaguriang “King of Fruits.”

Ang okasyong ito ay hindi lamang isang showcase ng talento sa culinary arts kundi isa ring hakbang upang itampok ang Durian Industry sa lungsod.

Buong pusong sumusuporta si Mayor Rey T. Hey, kasama si Ms. Alma L. Hey, Pangulo at Co-Chairperson ng Tagum Tourism, Arts and Culture Council, sa layuning mas makilala ang Tagum bilang sentro ng durian-based culinary excellence at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga lokal na magsasaka ng durian.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *