Ipinamahagi ang relief goods sa 1,000 pamilyang residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-14 ng Setyembre 2025.

Ang naturang pamilya ay apektado ng pagbaha sa naturang lugar.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Datu Odin Sinsuat Mayor Abdulmain Baba Abas katuwang si DOS Councilor Bai Sophia Abas.

Layunin nito na maibsan ang hirap na kinakaharap ng mga apektadong mga pamilya at matulungan ang mga ito sa kanilang pagbangon.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga pamilyang nakatanggap ng tulong sa lokal na pamahalaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *