Matagumpay na ipinagkaloob ang scholarship grant sa isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing at orientation sa 1,171 estudyanteng bagong iskolar ng probinsya ng Cotabato kasabay sa pagdaos ng “Handog ng Pangulo 2025: Serbisyong Sarap Para sa Lahat” na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium sa Amas, Kidapawan City, Cotabato nito lamang Sabado Setyembre 13, 2025.

Sa naturang oryentason, iprinisenta ni Hon. Vice Governer Rochella Marie “Ella” Taliño Taray, ang iilang mga alituntunin at regulasyon ng programa at ang pamamahagi ng kanilang allowance para sa unang semester ng taon na nagkakahalaga ng Php6,000.00 bawat iskolar.

Layunin ng programa na mabigyan ng patuloy na suporta ang mga kabataang nagsisikap sa kabila ng kahirapan na hinaharap ngunit pursigidong makapagtapos ng pag-aaral.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *