Sumailalim sa Sexual Harassment Prevention and Awareness Training ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga upang itaguyod ang isang ligtas at may paggalang na kultura sa lugar ng trabaho nito lamang ika-9 ng Setyembre 2025.

Inorganisa ito ng Zamboanga City Human Resource and Management Office (CHRMO) ang nasabing aktibidad, kung saan saklaw nito ang dalawang batch ng mga partisipante na magmumula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Nagsilbing resource speaker ang Legal Services Division ng Civil Service Commission (CSC) Region IX, at tinalakay ang mga mahahalagang paksa tulad ng mga batas at polisiya hinggil sa sexual harassment at ang epekto nito sa parehong empleyado at organisasyon.

Ginabayan din ang mga nakilahok kung papaano matukoy ang potential warning signs, ang kahalagahan ng bystander intervention, at mga pamamaraan paano i-ulat ang insidente.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mapapalakas ang kamalayan at pananagutan sa lugar ng trabaho sa pamamagitan ng pagkakaroon ng respeto at paggalang, bukas na komunikasyon, at aktibong pakikinig ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Photos by: Zamboanga City Government Public Information Office

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *