Isang matagumpay na Ground Breaking Ceremony of Tribal Church of Indigenous People ang isinagawa sa Brgy. Limpongo, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-13 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ng dating Ministro ng IP na si Ginoo Melanio Ulama, ang naturang aktibidad, katuwang si Hon. Lina Unao, Punong Barangay ng Limpongo at aktibong nakiisa ang mga personahe ng Datu Hoffer Municipal Police Station.
Itinuturing ang seremonya bilang isang makabuluhan para sa lokal na pamayanang katutubo, na sumisimbolo sa isang mahalagang yugto sa kanilang espirituwal at kultural na hangarin.
Ang pakikibahagi ng mga kapulisan ay patunay ng kanilang pakikipag-ugnayan at suporta para sa mga lokal na pamayanang katutubo.
