Inilunsad ng Pamahalaang Lokal ng General Santos ang “Linis, Ganda at Pagkakaisa Program,” isang citywide initiative para sa kalinisan, kaayusan at pagpapaganda ng lungsod.

Pinangungunahan ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) sa pamumuno ni EnP. Allan D. Marcilla, MSDS at may buong suporta mula kay Mayor Lorelie G. Pacquiao, nakabatay ang programa sa Ordinance No. 48, s. 2019 (Paligid Ko, Linis Ko) at Ordinance No. 6, s. 2022 (Malinis, Maayos at Magandang Gensan).

Layunin nitong palakasin ang disiplina, isulong ang responsibilidad sa kapaligiran, at aktibong maengganyo ang mamamayan na makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ang Gensan.

Namahagi ang City ENRO ng tig-dalawang tarpaulin sa bawat isa sa 26 barangay bilang paalala sa tamang pagtatapon at paghihiwalay ng basura.

Kabilang sa mga ipinapatupad ay ang kalinisan sa bangketa, tamang disposal hanggang collection, segregation gamit ang malinis at may label na basurahan, at pagbabawal sa illegal dumping.

Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng ₱3,000 o ikukulong ng limang araw.

Sa pamamagitan nito, pinagtitibay ng LGU-GenSan ang pangako nitong makapagtatag ng malinis, ligtas, at napapanatiling lungsod para sa lahat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *