Isinagawa ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office ang apat na araw na Rescue Summit sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ng Setyembre 13, 2025.
Ang aktibidad na tinaguriang “Rescue Summit 5.0: Disaster Resilience Forum, Technical Rescue Operation Forum, and Rescue Olympics” ay naglalayong palakasin ang kahandaan at kakayahang tumugon sa anumang uri ng sakuna.
Nilahukan ito ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga kawani ng pamahalaang lokal, sektor ng seguridad, academe, mga kinatawan ng 98 barangay sa lungsod, volunteer groups, at non-government organizations.


Iilan sa mga paksang tinalakay ay ang patungkol sa epektibong implementsyon ng Early Warning System, pagdedesisyon sa panahon ng kalamadid na nakabatay sa datos at teknolohiya, at iba pa.
Magtatapos ang nasabing aktibidad sa ilulunsad sa Rescue Olympics na gaganapin sa Grandstand sa lungsod kung saan tinatayang nasa 400 partisipante ang makikilahok sa isasagawang hands-on competitions at mga training session.