Itinampok sa Arte Vida 2.0 Creative Expo ng Department of Trade and Industry Zamboanga City Office ang iba’t ibang creative industries ng naturang lungsod noong Oktubre 6,2025.

Ayon kay DTI Zamboanga City Office Provincial Director Grace Aduca, kabilang sa mga inimbitahang makilahok sa naturang aktibidad ay ang mga cosplayer, game developers, visual at performing artists, at mga mag-aaral ng lungsod.

Inilunsad ng DTI ang Arte Vida Creative Expo katuwang ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga, City Tourism Office, Zamboanga Creative Industry Development Council, at pribadong sektor.

Bahagi rin ang nasabing expo sa pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month ngayong taon.

Layunin ng aktibidad na isulong at itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa creative industry at para mabigyan ng platform ang mga interesadong pumasok sa nasabing industriya na maipakita ang kanilang mga talento at  kasanayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *