Mahigit P12 milyon ang naipamahaging tulong pinansyal sa mga magsasaka at kooperatiba sa isinagawang turn-over ceremony noong Oktubre 7, 2025 sa Children’s Park, Capitol Complex, Mabini, Davao de Oro.

Kabilang sa mga nakatanggap ng pondo ang Nabunturan Farmers Cooperative na tumanggap ng P3 milyon para sa duck production project, habang tig-P4.6 milyon naman ang napunta sa LGU Mabini at sa Provincial Veterinary Office para sa goat production projects.

Bukod sa cash assistance, ipinamahagi rin ang mga kagamitang pansaka, abono, hayop tulad ng kambing, pato, manok, at iba pang agri-fishery inputs mula sa Davao de Oro Farm.

Sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka at kooperatiba, pinatitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro ang hangarin nito na mapalakas ang agrikultura bilang pangunahing haligi ng lokal na ekonomiya.

Sa tulong ng mga programang tulad nito, inaasahang mas magiging produktibo, masagana, at matatag ang kabuhayan ng mga magsasaka sa lalawigan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *