Pinalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga ang pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pamamagitan ng bagong pakikipagtambalan sa Caritas Butuan Inc. (CBI) sa Barangay Libertad, Butuan City nito lamang ika-7 ng Oktubre 2025.

Ayon kay DSWD Caraga Assistant Regional Director for Operations (ARDO) Jean Paul Parajes, ang inisyatibang ito ay patunay ng pagpapatuloy na pagsisikap ng pamahalaan na pagtibayin ang ugnayan sa simbahan tungo sa mas epektibong serbisyo para sa mamamayan.

Ang naturang hakbang ay nagpapakita ng pagkakaisa ng pamahalaan at simbahan sa layuning mapalakas ang suporta sa mga pamilyang nangangailangan at mapalago ang komunidad sa Caraga Region.

Layunin ng kolaborasyong ito na magtatag ng mas komprehensibo at magkatuwang na paraan ng pagpapatupad ng programa, palalimin ang pag-unawa sa mga prayoridad ng bawat organisasyon, at maglatag ng pundasyon para sa mga susunod na pag-uusap upang tukuyin ang mga tiyak na larangan ng pagtutulungan at mga maaaring isagawang programa o aktibidad.

Ang pagtutulungan ng DSWD at Caritas Butuan ay isang hakbang patungo sa mas pinatibay na serbisyo at malasakit para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *