Pinangunahan ang Farmer’s Field Day na dinaluhan ng 35 na magsasaka mula sa anim na asosasyon, kasama ang Provincial Rice Coordinator mula sa Provincial Agriculture Office ng Surigao del Sur at ang Regional NextGen team na naging daan sa pagpapalaganap ng kaalaman sa Barangay Panikian, Carrascal, Surigao del Sur nito lamang ika-8 ng Oktubre 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) Caraga, sa pamamagitan ng Research Division, katuwang ang Municipal Agriculture Office ng naturang bayan.

Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng DA Caraga sa mga magsasaka tungo sa mas produktibo, matatag, at modernong industriya ng bigas sa rehiyon.

Layunin ng programa na maipakita at mapili ng mga magsasaka mismo ang mga angkop at matatag na variety ng palay na maaaring itanim sa kanilang lugar.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *