Agad na namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga upang maghatid ng tulong sa mga apektadong pamilya na tumama sa mga lalawigan ng Agusan del Sur at Surigao del Sur na naganap nito lamang ika-10 ng Oktubre, 2025.

Nabatid na umabot sa 547 family food packs (FFPs) ang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing lindol.

Ang mabilis na pagtugon na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DSWD Caraga upang matiyak na walang magugutom sa panahon ng sakuna, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Patuloy din ang koordinasyon ng DSWD Field Office Caraga sa mga katuwang na ahensya at mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang maagap na pagtugon at paghahatid ng karagdagang tulong kung kinakailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *