Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay boluntaryong nagbalik-loob ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Zamboanga Del Sur nito lamang ika-20 ng Abril 2024.
Kinilala ang nagbalik-loob na si alyas “Ash”, 24 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Purok Santol Barangay Songayan Dinas, Zamboanga del Sur at miyembro ng Barrio of Hingpit nga Organisadong Masa/Bario Revolutionary Committee HOM/BRC (KBT) sa ilalim ng GF-KARA/MRGU WMRPC.
Napag-alaman din na miyembro si alyas “Ash” ng Salabukan No’k G’taw Subanen (SGS) na isang Communist Affiliated Mass Organization sa Indigenous People sa ilalim ng UGMO Revolutionary Organization na Regional Urban Committee RUC, WMRPC.
Agad namang nakatanggap ng isang sakong bigas at cash gift ang sumuko at sasailalim sa livelihood program na isasagawa ng LGU Dinas ZDS.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko na at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni JM