Nagsagawa ng Livestock Dispersal Program ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato sa Alamada, North Cotabato nito lamang ika-24 ng Abril 2024.

Ang nasabing programa ay bahagi ng isinusulong ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa ilalim ng 12-point agenda nito na “agricultural productivity and livelihood” na mabigyan ng dagdag na pagkakakitaan ang mga Cotabateño at mapaangat ang magandang kalidad at produksyon ng livestock sa lalawigan.

Masayang tinanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang iba’t ibang uri ng livestock tulad ng kalabaw, baka at kabayo na pinondohan ng kapitolyo ng abot sa Php1,095,000.

Ang distribusyon ay ginanap sa Barangay Polayagan sa bayan ng Alamada na pinangasiwaan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet).

Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga mamamayan sa Cotabato upang magsilbing katuwang ng mga ito ang ipinagkaloob sa kanila para sa kanilang paghahanapbuhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *