Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project na nagkakahalaga ng Php5.1 Bilyon na ginanap sa Barangay Bagoinged, Pikit, Cotabato nito lamang ika-29 ng Abril 2024.

Ang nasabing proyekto ay mapapakinabangan ng nasa 9,500 na ektaryang sakahan at higit sa 4,000 magsasaka mula sa bayan ng Pikit at Aleosan sa lalawigan ng Cotabato at Pagalungan at Maguindanao mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dito ay binigyang diin ng pangulo na ang MMIP II ay hindi lamang ordinaryong proyekto na magbibigay ng magandang ani at kita sa mga magsasaka kundi magdudulot din ito ng pag-unlad sa mga lugar na benepisyaryo ng proyekto. 

Pinuri din ng pangulo ang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya at stakeholders upang mabigyang katuparan ang MMIP II na matagal ng pinapangarap ng mga mamamayan mula sa bayan ng Aleosan at Pikit at karatig lugar sa BARMM.

Ipinarating naman ni Governor ng Cotabato ang kanyang pasasalamat sa pangulo sa buhos biyaya at tulong na ipinaabot nito para sa mamamayang Cotabateño.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *