Matagumay na nailunsad ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA- Zamboanga Sibugay ang Kadiwa ng Pangulo Program nito lamang ika-23 ng Hulyo 2024.
Ang naturang aktidad ay ginanap sa TESDA Provincial Office sa may Barangay Ipil Heights sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Tampok sa Kadiwa ng Pangulo display ang murang mga bigas, preskong mga gulay, prutas, karne, at iba pang mga produktong agrikultural na nagmula sa iba’t ibang mga lugar ng lalawigan.
Katuwang ng TESDA Sibugay sa paglunsad ng Kadiwa ng Pangulo ang mga TESDA farm schools sa probinsya, sa koordinasyon ng Department of Agriculture o DA Zamboanga Sibugay.
Layon ng TESDA sa paglunsad ng aktibidad na makapagbigay ng mas murang bilihin para sa mga mamimiling Sibugaynon sa gitna ng pabugso-bugsong buhos ng ulan sa lalawigan dulot ng hanging habagat.
