Nagbigay ng libreng serbisyo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Norte sa pangunguna ni Gov. Edwin I. Jubahib sa 10 barangay sa lungsod ng Panabo sa ilalim ng programang Oplan Kaagapay sa Kalinaw ug Kalamboan (KKK) na isinagawa sa Barangay Buenavista, Panabo City nito lamang Setyembre 10, 2024.
Kabilang sa serbisyong inihandog rito ay medical at dental check-up, eye care screening, HIV screening, x-ray, gupit, social services, legal services, agriculture and veterinary services at livelihood training.
Namigay din ng libreng bigas, tsinelas, pataba at binhi ng gulay at prutas, gamot para sa mga hayop, multivitamins, at iba pa.
Ang Oplan KKK ay isang inisyatibo ng probinsya na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga residente nito, lalo na sa mga liblib na lugar sa Davao del Norte, upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente.