Inihagis ng riding-in-tandem ang dalawang granada sa detachment ng 4th Maneuver Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay Galakit, Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang Bagong Taon, Enero 1, 2025.


Ayon sa Pagalungan Municipal Police Station, sakay ng motorsiklo ang hindi pa kilalang mga suspek na may kagagawan ng pambobomba.
Ang unang granada ay sumabog malapit sa isang nakaparadang Toyota Innova, na nagdulot ng malakas na pagsabog at bahagyang pinsala sa nasabing sasakyan.
Habang ang pangalawang granada ay hindi sumabog, ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente sa lugar.
Samantala, sa kabutihang palad, walang naiulat na nasugatan sa naturang insidente.
Patuloy ang mahigpit na seguridad ng PNP matapos ang insidente at ina-alam ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nasa likod ng pambobomba.