Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) Region IX ang pagsagawa ng dalawang araw na Mental Health Awareness seminar-workshop sa lungsod ng Zamboanga nito lamang Enero 2, 2025.

Naging partisipante sa nasabing seminar-workshop ang mga empleyado ng mismong tanggapan kung saan layon nito na magkaroon ng teamwork at mas maitaas ang kamalayan sa mental health awareness.

Maliban dito, nais din ng DOST IX na sa pamamagitan ng seminar-workshop na ito ay maitaguyod ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa lugar ng pinagtatrabahuan.

Ang tema nito ay “Mindful Together: Building Resilience, Connection, and Well-being for a Healthier Workplace,” at mayroong mga iba’t ibang aktibidad na inihanda, diskusyon at team-building exercises para sa lahat ng mga partisipante.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *