

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga del Sur ang ika-5 anibersaryo ng Buklog Inscription bilang isang UNESCO Intangible Heritage sa lungsod ng Pagadian noong Disyembre 30, 2024.

Binigyang diin ni Zamboanga del Sur Governor Victor Yu, ang kahalagahan ng Buklog bilang isang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan o cultural identity ng rehiyon.
Ang Buklog ay isang sagradong ritwal ng pasasalamat na isinasagawa ng tribong Subanen kung saan pormal itong kinilala ng UNESCO sa taong 2019 dahil sa kahalagahan nito sa kultura at ang pangangailangan na maprotektahan ito para masiguro ang survival ng nasabing tradisyon.
Kabilang sa mga nakiisa sa naturang selebrasyon ang mga mag-aaral ng School of Living Traditions mula sa iba’t ibang munisipalidad ng probinsya kung saan kanilang ipinamalas ang kani-kanilang tradisyunal na mga sayaw na napreserba sa loob ng ilang henerasyon.