Nasakote ang tinaguriang Top 3 Most Wanted Person ng lungsod ng Davao sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok 13, Barangay New Katipunan, Sto. Tomas, Davao del Norte noong ika-2 ng Enero 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ivan,” 18 taong gulang, mag-aaral at residente ng nasabing barangay.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling maayos at maunlad ang komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *