Matagumpay na isinagawa ang Linggo ng Kabataan sa Brgy. Lawm Buwahan, Parang, Sulu nito lamang ika-1 ng Enero 2025.

Pinangunahan at inorganisa ng mga Sangguniang Kabataan Officials ang nasabing aktibidad katuwang ang mga miyembro ng Parang Municipal Police Station.

Sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga lokal na opisyal, kabataan, at iba’t ibang sektor, naging makabuluhan ang selebrasyon na may layuning pagyamanin ang kasanayan, liderato, at responsibilidad ng mga kabataan sa pagpapatibay ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Ang matagumpay na selebrasyong ito ay patunay ng pagkakaisa at kooperasyon ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng mas ligtas, mas produktibo, at mas maunlad na hinaharap para sa kabataan ng Parang, Sulu.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *