Zamboanga del Sur- Personal na pinamahagi ni Governor Victor J. Yu kasama si Congresswoman Divina Grace C. Yu ang monthly allowance sa tinatayang 67 na mga Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) na naka-assign sa Igat Island, Margosatubig, Zamboanga del Sur nito lamang Biyernes, Setyembre 29, 2023.

Kasama din sa pamamahagi si Board Member John Regala, Chairman ng Committee on Peace and Order ng Sangguniang Panlalawigan.

Pasasalamat naman ang tugon ng SCAA members sa natanggap na monthly allowance.

Patunay lamang na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga del Sur ay ginagawa ang alituntunin at iba’t ibang programa upang mas tahimik, payapa tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *