Pumunta ang mga personahe ng Philippine Navy upang makita ang proyektong pabahay ng gobyerno na Maresca Homes sa Brgy. Cogon, Babak District, Island City of Samal, Davao del Norte nito lamang Setyembre 30, 2023.

Ang Maresca Homes ay isa sa mga proyekto ng NHA Office XI sa ilalim ng Government Employees Housing Program o GEHP na naglalayong magbigay ng disente, abot-kayang pabahay sa mga Military Uniform Personnel o MUP at iba pang empleyado ng gobyerno.

Samantala, ang pagbisita ng Philippine Navy ay pinaunlakan ng NHA XI Regional Manager na si Engr. Clemente A. Dayot at NHA XI District 1 Officer in-charge Engr. Shariffuddin I. Nami.

Ang mga proyekto ng NHA-GEHP ay naglalayong magbigay ng maayos at murang pabahay sa mga empleyado ng gobyerno lalong lalo na ang mga tauhan ng PNP at AFP.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *