Nagsagawa ng stress debriefing ang City Social Welfare and Development o CSWD para sa mga Solo Parents at Oro Women’s, para sa mga marginalized na kababaihan noong Marso 19-20, 2025 sa Barangay Carmen at Gusa, Cagayan de Oro City.
Sa nasabing aktibidad, tinalakay ang kahalagahan ng pagiging gender-sensitive at ang iba’t ibang antas ng stress, pati na rin ang mga epektibong paraan upang mapangalagaan ang mental at emosyonal na kalusugan.
Ang programa ay isinagawa sa pangunguna ng City Social Welfare and Development (CSWD) Department – Solo Parents Section, katuwang ang City Hall Employees Multipurpose Cooperative (CHEMCO) Gender and Development Committee, CSWD Psychosocial Division, City Gender and Development Focal Point System, Barangay Carmen Council, at Barangay Gusa Council.
Dahil sa matinding hamong kinakaharap ng mga solo parents at miyembro ng Oro Women’s, binigyang-prayoridad ang aktibidad na ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
