Hatid ng Tagum City Health Office at BUCAS Center sa mga Taguminyo ang libreng serbisyong dental na nagsimula noong ika-24 ng Abril, 2025.

Ang programang ito ay layuning matulungan ang mga mamamayan ng Tagum na may pangangailangan sa dental na serbisyo, tulad ng pagpapacheck-up at pagpatanggal ng mga ngipin.

Ang libreng dental services ay isinasagawa tuwing umaga mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ang mga interesado ay maaaring magtungo sa mga itinakdang lugar para sa serbisyong dental na walang bayad.

Magtatagal ang programang ito hanggang Hunyo 30, 2025, kaya’t may sapat na oras para makapag-avail ang mga Taguminyo ng nasabing serbisyo.

Ayon sa mga opisyal ng Tagum City Health Office, layunin ng programang ito na matulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng mas malusog na ngipin at bibig, lalo na sa mga hindi kayang magbayad para sa mga serbisyong dental sa pribadong sektor.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *