Nasa kabuuang 1,188 mga manggagawa ang sumailalim sa oryentasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region IX sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-26 ng Abril 2025.

Isinagawa ng ahensya ang oryentasyon upang gawing handa ang mga benepisyaryo bago simulan ang kanilang community-based employment sa mga komunidad sa naturang lungsod.

Kabilang sa mga tinalakay ng DOLE TUPAD coordinators ang mga alituntunin at ang implementasyon ng naturang programa.

Tinalakay rin ang karapatan ng mga benepisyaryo tulad ng kanilang sahod kada-araw na nasa P381.00, mga safety protocol, government-mandated na mga benepisyo tulad ng personal protective equipments (PPEs) at insurance coverage.

Kasabay ng oryentasyon ay nagsagawa rin ng payout ang DOLE sa 107 mga manggagawa na pawang mga benepisyaryo ng TUPAD Program ng ahensya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *