Isinagawa ang dalawang araw na libreng bakuna bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Immunization Week 2025 sa Robinsons Mall Tagum City, Davao del Norte na nagtapos noong Abril 26, 2025.
Ang aktibidad ay resulta ng pagtutulungan ng mga ahensya tulad ng DOH-RXI (Department of Health – Regional Office XI), Davao Regional Medical Center, Provincial Health Office at Provincial DOH Office.
Sa tulong ng mga nasabing ahensya, naging matagumpay ang programa sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng bakuna at sa pagbibigay ng mga libreng serbisyo sa mga mamamayan ng Tagum City.
Layunin ng World Immunization Week na itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng bakuna sa pag-iwas sa mga sakit na maaaring magdulot ng seryosong epekto, lalo na sa kalusugan ng mga bata at kabataan.
Ang libreng bakuna ay isang hakbang patungo sa pagpapalakas ng pangkalahatang kalusugan ng komunidad, at nagsisilbing gabay upang matiyak na ang bawat bata at kabataan sa rehiyon ay makikinabang sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.

