Bukas na muli ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students (SPES) na pinangangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) Davao Oriental.
Sinimulan ang pagtanggap ng aplikasyon noong Abril 28, 2025 at magtatapos sa Mayo 2, 2025.
Ang nasabing programa ay may layuning bigyan ng pansamantalang trabaho ang mga kabataang estudyante upang matulungang tustusan ang kanilang pag-aaral habang nagkakaroon din ng mahahalagang karanasan sa trabaho.
Ipinapaalala ng PESO na limitado lamang ang slots kaya’t ipinatutupad ang “first come, first serve basis”.
Inaanyayahan ang mga estudyanteng may edad 15 hanggang 30 na handang magtrabaho sa alinmang posisyon sa Provincial Capitol na magparehistro agad.
Ang proseso ng aplikasyon ay binubuo ng tatlong bahagi: una, ang online application; pangalawa, ang online written examination; at panghuli, ang onsite interview.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook page, “PESO Davao Oriental”.