Patuloy na nagsagawa ng specialized training ang Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) sa kanilang mga benepisyaryo sa lalawigan ng Zamboanga del Norte noong Hunyo 1,2025.
Ang Bagacay Farmers Association sa bayan ng Sibutad, Zamboanga del Norte ay sinanay sa carabao raising at corn production — na pangunahing pangkabuhayan ng mga residente sa naturang lugar.
Habang ang South Mapang Vegetable Growers Association sa bayan ng Rizal ay sinanay naman tungkol sa vegetable production at pest management.
Sa bayan ng Jose Dalman, dalawang asosasyon ang binigyan ng pagsasanay. Ito ay ang Tabon Integrated Farmers Association na binigyan ng pagsasay sa cattle at corn production, at ang Litalip Farmers Association ay nakatanggap naman ng technical training para sa Layer Chicken Egg production.
Lubos na umaasa ang Kagawaran ng Agrikultura na ang mga kaalamang nakuha ng mga benepisyaryo ay kanilang magagamit sa pagpapalago ng kanilang operasyon at produksyon.


