Ipinagdiwang ng libo-libong mga kapatid na Muslim ang Eid’l Adha o Festival of Sacrifice sa Barangay Marang, Barira, Maguindanao Del Norte nito lamang ika-6 ng Hunyo 2025.

Kasama sa mga dumalo si Hon. Jamel M. Marindig, Punong Barangay ng Marang, na nagbigay ng mensahe sa kanyang mga kababayan.

Nagsimula ang selebrasyon sa isang espesyal na panalangin sa umaga na dinaluhan ng mga mananampalatayang Islam.

Ang Eid’l Adha, ay isa sa dalawang pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam na kung saan ginugunita taun-taon tuwing ika-10 araw ng Dhul Hijjah, ang huling buwan sa kalendaryong Islamiko, at nagtatapos sa Hajj, ang banal na paglalakbay sa Mecca.

Ang pagdiriwang na ito ay nagpapalalim ng ugnayan ng mga Muslim sa kanilang pananampalataya at sa kanilang komunidad, at isang paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at pagkakaisa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *