Handog ng Davao City PNP ang maigting na pagbabantay ng seguridad at serbisyonh medikal sa pagdiriwang ng Eid’l Adha Congregational Prayer sa Freedom Park, Roxas Avenue, Davao City nito lamang Hunyo 6, 2025.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Davao katuwang ang kapulisan ang seguridad at kaligtasan ng humigit-kumulang 6,500 mga Dabawenyo na nakiisa sa taunang banal na okasyon.

Mahigpit na ipinatupad ang area security ng Davao City PNP, upang mapanatili ang kaayusan sa lugar.

Maaga pa lamang ay naka-deploy na ang kapulisan upang bantayan ang daloy ng mga tao at trapiko, gayundin upang masigurong ligtas ang bawat kalahok mula sa anumang banta.

Kasabay nito, naglaan naman ang Regional Medical and Dental Unit 11 (RMDU 11) ng sapat na bilang ng mga medical personnel at first aid responders.

Nakapuwesto ang kanilang mga tauhan sa mga strategic na lugar sa paligid ng Freedom Park upang agarang makaresponde sakaling may mga emergency medikal.

Sa kabuuan, naging tahimik at maayos ang buong aktibidad, salamat sa koordinadong aksyon ng mga ahensyang kinauukulan.

Patunay ito sa matibay na ugnayan ng pamahalaan at komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaligtasan sa mga pampublikong pagtitipon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *