Sinimulan ng mga motorcycle enthusiasts at mga lokal na opisyal ang paglulunsad ng Northern Mindanao Loop 2025 sa Rio de Oro Boulevard sa Cagayan de Oro City nito lamang Sabado, Hunyo 7, 2025.

Pinangunahan nina Senador JV Ejercito at Philippine Motorcycle Tourism Ambassador Ma. Rica ‘Jet Lee’ Cabarrubias, ang tatlong-araw na motor adventure na dinaluhan ng riders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Layunin ng Northern Mindanao Loop na itaguyod ang turismo sa pamamagitan ng motorsiklo, habang binibisita ang mga tanawin sa rehiyon ng Hilagang Mindanao.

Unang destinasyon ng mga kalahok ay ang Sinulom Falls sa Talakag, Bukidnon, kasunod ang iba pang tanawin sa mga lalawigan ng Bukidnon at Misamis Oriental.

Noong gabi ng Hunyo 6, isang welcome dinner ang inihandog ng Lungsod ng Cagayan de Oro sa City Tourism Hall, sa pangunguna ng City Tourism and Cultural Affairs Office at ng Oro Trade Investments Promotions Center (Oro-TIPC).

Ang pagsisimula ng Northern Mindanao Loop 2025 ay itinuturing na isang hakbang sa pagpapaunlad ng turismo at pagpapalawak ng koneksyon ng mga rehiyon sa pamamagitan ng alternatibong pamamasyal.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *